Nakiisa si Senator Robin Padilla sa humigit-kumulang 100 kasapi ng iba’t ibang grupo ng manggagawa, kabilang ang Partido Manggagawa (PM) at Kilusang Mayo Uno (KMU), sa isinagawang kilos-protesta sa harap ng Pasig Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes, Agosto 3.
Ipinapanawagan ng mga grupo ang pagbabasura sa 20-day Temporary Restraining Order (TRO) na nagpapatigil sa pagpapatupad ng Wage Order No. NCR-27, na nagkakaloob ng P85 dagdag-sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Inihayag ni Sen. Padilla na layunin ng kanyang pagdalo ang magpakita ng buong suporta sa hanay ng mga manggagawa na labis na naapektuhan ng pagpapatigil sa taas-pasahe at dagdag-sahod, kabilang na ang mga kasapi ng komunidad ng Muslim.
“Sumama po tayo dito para makiisa sa kanilang protesta. May mga Kapatid din tayo Muslim Dyan po,” pahayag ni Padilla.
bukod sa pagkontra sa TRO, iginiit din ng KMU ang kanilang mas mataas na panawagan na itaas sa P1,200 ang pambansang pambansang minimum wage.
Ikinadismaya ni KMU Chairperson Jerome Adonis ang pananahimik at kawalan ng agarang aksyon sa gitna ng pagsubok ng mga manggagawa.
Hiniling din ng grupo na ibasura ng korte ang petisyong inihain ng mga kumpanyang R-II Builders at Readycon Trading and Construction Corp., dahil maaari itong maging masamang halimbawa para sa iba pang hiling na dagdag-sahod sa mga probinsya.
“What, Tol, are you just sad? You’re just going to be depressed there, and you won’t do anything? Will we be able to afford your sadness? Will it be paid by Meralco, or will it be used to feed the children?” ayon kay Adonis.
“There is no room for Filipino workers in the government to ensure the right to a living wage. We need to insist on this – in protest, in protest, in protest! The fight for a living wage continues – PHP1200 nationwide!” dagdag pa niya.
Mariing tinutulan ng Partido Manggagawa (PM) ang TRO na inilabas ng Pasig RTC Branch 152. Ayon sa pahayag ng PM, may dalawang malaking legal defect sa batas ang naturang utos.
Una ang paglabag sa Article 126 ng Labor Code: Malinaw na isinasaad sa batas na walang anumang korte o entidad ang pwedeng maglabas ng injunction o TRO laban sa mga proseso sa ilalim ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) o Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB).
Pangalawa ang Maling Jurisdiction / Venue: Sa ilalim ng Article 123 ng Labor Code, ang apela hinggil sa wage order ay dapat idinudulog sa NWPC sa loob ng 10 araw, at kung hindi man maayos ay sa Court of Appeals — hindi sa isang Regional Trial Court.
Binigyang-diin ng PM na ang P85 dagdag-sahod ay hindi isang “regalo” kundi karapatang pinaghirapan at tinitiyak ng batas para sa mga manggagawa.
Ayon sa pagtaya ng Pasig City Police, humigit-kumulang 100 demonstrador ang nagtipon sa harap ng RTC.
Tiniyak ni Pasig Chief of Police Col. Hendrix Magaldan na patuloy nilang iginagalang ang karapatang pantao at malayang pagpapahayag ng mamamayan. Aniya, nagpatupad ang kapulisan ng maximum tolerance habang pinapanatili ang seguridad sa lugar sa tulong ng Pasig City LGU.
