May 17, 2024

ROBIN PADILLA, NAKALIPAT NA SA NET 25

UMERE na ang bagong show ni Robin Padilla, ito nga iyong ‘Unlad: Kaagapay Sa Hanapbuhay.’ Ipinalabas ang nasabing show last Sunday sa NET 25, August 16, 2020 sa ganap na alas-7;00 ng gabi na ang topic ay tungkol sa kung papaano alagaan at paunlarin ang kabuhayan sa pagkakabute.

“Ibang tema ang programang ito, kapakipakinabang doon sa nagtatanim ng kabuti sa kanilang farm. Happy ako dahil, ang dami ko rin namang natutunan. Parehong makikinabang ang mga manonood namin at kaming mga nagpapaliwanag.

“Maselan ng konti ang tapik namin sa pag-aalaga ng kabuti, dahil kung hindi mo ito aaralin ay mabibigo kang mapaunlad mo ang negosyo sa pagkakabuti. Kaya naman masaya ako dahil, marami ang sumuporta sa show kong iyan.” Paliwanag pa ni Robin Padilla.

Kakaibang Robin, na nga ang ating mapapanood sa NET25. Kaya maari ninyo din mapanuod ng Live, at abangan din po sa Youtube at Facebook page and kanyang show na ‘Unlad: Kaagapay Sa Hanapbuhay’ tuwing Linggo sa ganap na alas-7:00 ng gabi.