May 5, 2024

ROBIN PADILLA, MAY PAG-ASANG PUMASOK SA ‘MAGIC 12’ NG SENATORIBLE CANDIDATES

Opisyal na nga ang pagpalaot ni Robin Padilla sa 2022 national elctions sa Mayo 9, 2022. Naghain kahapon ng COC si ‘Binoe’ na tatakbong senador.


Sabi ng ilan, may ‘k’ namang tumakbo si Robin dahil masidhi ang kanyang adhikain na makatulong sa taumbayan. Ang totoo, may mga grupong susuporta sa kanyang kandidatura.


Malakas si Robin sa Mindanao dahil sa mga kababayan nating Muslim.Gayundin sa Bicol region. ‘E papaano pa ang mga taga-hanga niya na susuporta sa kanya? Sa 12 pipiliin sa balota, di posibleng mapasama ang kanyang name na isulat sa balota.

Marami rin siyang kaibigan sa showbiz na maaaring humatak sa kanya. Malaon na ring pinag-isipan ng ‘Bad Boy’ ng local movies ang pagpasok sa politics. Nanaig ang tinig ng taumbayan na tumakbo siya.


Kung babalasahin lang ang karisma at lakas ng mga kumandidato sa pagka-senador; malaki ang tsansang pumasok ni Robin. Makamasa si Binoe at tiyak na iboboto siya ng mga mayorya ng taumbayan.