May 17, 2024

ROBIN PADILLA, EXCITED NANG MAKASAMA SA PELIKULA SI MEGASTAR SHARON CUNETA

MAY pelikulang nakatakdang gawin si Robin Padilla, sa bakuran ng Viva films. Dapat ngayong taon iyon gagawin, pero gawa ng coronavirus ay pansamantalang nahinto ito. Ang leading lady niya sa movie niyang gagawin ay si Megastar Sharon Cuneta, kaya hindi paman nauumpisahan ay excited na itong si Robin.

Bali reunion movie na nina Robin at Sharon, ang gagawin nilang pelikula.

Ayon sa management ng Viva films, tuloy na tuloy na ito. Kaya ang mga fans ni action star Robin Padilla, ay tuwang-tuwa dahil may mapapanood na silang movie ng kanilang idolo at excited na silang makitang magkasama sina Tita Shawie at Binoe.

“Na miss kong gumawa ng pelikula with Ms. Sharon Cuneta, masayang kasama si Ma’am Shawie. Kaya naman masaya ako dahil matutuloy na rin sa wakas. Sana nga maumpisahan na namin ang aming reunion movie, dahil sabik na rin ako at ang aking mga tagahanga na magkasama kami ni Sharon. Pero ngayong matutuloy na masaya ako dahil mapapanood na rin kami ng aming mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa amin.” kwento pa ni Robin Padilla.