April 30, 2024

RITA AVILA, INUPAKAN SI MAYOR ISKO MORENO DAHIL SA PATUTSADA RAW KAY VP LENI ROBREDO

Naging maugong muli ang aktres na si Rita Avila kahit di ito gaanong visible sa telebisyon. Papaano ba naman kasi, nag-react ito sa patutsada umano ni Mayor Isko Moreno kay VP Leni Robredo.


Ayon sa aktres, below-the-belt daw ang naging pananalita ni yorme. Kaya di niya ito nagustuhan. ‘E supporter pala ni VP Leni ang aktres. Giit ni Rita, ipinagtanggol niya si yorme nang banatan ito ni Pangulong Duterte tungkol taboo photos ng mayor.


Ang babaw Yorme. ‘Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin? Kung hindi mo makita ang buti sa mga sinabi ni VP, kakahiya ka naman,” aniya.


Maganda nga ang sinabi tungkol sa’yo ni VP Leni. At ikaw rin maganda sinabi mo sa kanya nung nakaraan. After a few days ganyan ka na? Gollum lang? Paiba-iba ng mukha at sinasabi?”

At yellowtards pa talaga ha? Ako nga ayoko pag tinatawag ang mga DDS ng dutertards kasi ‘di naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec. DDS sila. Tao pa rin sila.”


Sina Isko at Rita ay dating magkasama sa ‘That’s Entertainment’ ni Kuya Germs. Para naman sa supporters ni Mayor Isko, nagpapansin lang daw ang aktres.

Ayon naman sa mga neutrals, nasaktan lanng daw siguro si Rita para kay VP Leni. At di naman dapat gawing big deal ang sinabi ni yorme. Baka bugso lang ng damdamin iyon. Well, ganyan sa politics talaga.

Kasama sa laro na nagkakatampuhan ang dating magkakaibigan.