May 4, 2024

ALYSSA VALDEZ, IPAPANALO NA LANG DAW NG FANS SA PBB SEASON 10

Nakisimpatiya kina Alyssa Valdez at Jia Morado ang ilang volleyball fans matapos hindi isama sa national team. Bale 2 ang inasembol na national team sa women’s volleyball. Ito ay ang Team Rebisco at Choco Mucho.


Ang dalawang team ay sumabak sa 2021 Asian Volleyball Championships sa Thailand kamakailan. Ngunit, nagtapos ang dalawa sa 5th at 6th place. Banat ng mga fans, kung isinama ang dalawa, may laban pa sana.


Ramdam nila na pinolitika sina Baldo at Jia. Hindi porke may edad na si Valdez ay iitsapuwera na ang ito.


Imagine, siya ang hardest hitter volleybelle. Sikat at may napatunayan. Bakit di siya isinama?” ngitngit ng isang ni Alyssa sa socmed.


Yan ang napala. Yan ang nangyari. Kung napasama sana si Alyssa at Jia, may laban pa sana,” sabi naman ng isang fan.


Batay sa B page na Alyssa Believers, ipapanalo na lang nila si Alyssa sa PBB Season 10. Kasama kasi si Valdez sa celebrity housemates.