May 17, 2024

MAGNOLIA HOT SHOTS, BALAK NANG TAPUSIN ANG SERYE KONTRA MERALCO

Tatapusin na ng Magnolia Hotshots ang semis laban sa Meralco Bolts sa 2021 PBA Philippine Cup. Lamang sa series ang una sa 2-1 lead.

Ngunit, umiiwas ito na maka-tie pa ang Meralco. Ani Magnolia head coach Chito Victolero, lubhang nahirapan sila sa Game 3.


We were not ready. We had a bad start and we didn’t show up. We didn’t match the will and aggressiveness of Meralco,“aniya sa game loss ng Hotshots, 91-86.


Kaya naman, iniiwasan nito na makatabla pa sa 2-2 ang tropa ni Norman Black.


Kapag kasi nag-tie pa back to zero lang ‘yan. Dapat matapos na. Kung pwede, kakayanin. Mahirap din kung umabot sa ganun,” ani Calvin Abueva.

Ang Game 4 sa pagitan ng 2 team ay idaraos ngayong alas 4:30 ng hapon.