BUMWELTA si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga laban kay dating Senador Panfilo “Ping” Lacson matapos itong maghayag ng simpatiya kay Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga at sabihing ginagamit umano ng ilang tao ang “mental state” ni Kiko para sa sariling interes sa pulitika.
Sa isang matapang na pahayag, diretsahang sinagot ng batang Barzaga si Lacson.
“Wala ka bang salamin sa bahay? Di mo ba alam na ginagamit ka lang ni Romualdez at Marcos? O baka alam mo pero mas importante sayo ang pera kaysa sa dignidad?” ani Barzaga.
Matatandaan na ipinagtanggol ni Lacson si Mayor Jenny Barzaga sa harap ng isyu, at tinuligsa ang mga gumagamit sa kalagayan ng kanyang anak para umano sa pansariling agenda.
Ngunit hindi ito pinalampas ng mambabatas na agad nagbato ng paratang kay Lacson na siya mismo ay ginagamit lamang umano ng Malacañang at ng mga kaalyado nito.
Patuloy na umiinit ang palitan ng mga pahayag habang lumalalim ang bangayan ng mga personalidad sa Cavite at pambansang pulitika.
