May 16, 2024

REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA SAN JUAN, BATANGAS

ARESTADO ng PNP ang isang Regional Most Wanted Person na may kasong RAPE (3counts) bandang 7:00 ng umaga noong Hunyo 18, 2022 sa Brgy., Calubcub 2nd, San Juan, Batangas.

Sa ulat ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director, kay PBGEN ANTONIO C Yarra, Regional Director, kinilala ang suspek na si Fernando Debelos Jr. y Razon, 29 taong gulang, may kinakasama, construction worker, residente ng nasabing lugar at tinaguriang Most Wanted Person ng Regional Level.

Ayon sa San Juan pulis bandang alas 7:00 ng umaga ng maaresto si Fernando ng pinagsanib pwersa ng Intel Operatives ng San Juan MPS, Regional Intelligence Division 4A (RID) PIT Batangas and RIU PIT Batangas. Sa bisa ng Warrant of Arrest na inilaba ni Hon. Rose Marie J. Manalang-Austria, Presiding Judge of, Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas at may Criminal Case No. 2022-4901 to 2022-4903 noong Mayo 20, 2022.

Nangyari ang krimen noong ika-3 ng Oktubre 2021 bandang 10:00 ng umaga. At noong ika-11 ng Oktubre 11, 2021 pumunta sa San Juan MPS ang biktimang 12 taong gulang kasama ang kanyang ina para maghain ng reklamo laban sa akusado. 

 Ang suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng San Juan Municipal Police Station. At walang inirekomendang piyansa. 

Samantala, sinabi naman ni PBGEN YARRA na “hindi titigil ang hanay ng Police Regional Office 4A sa paghuli sa mga wanted person ng Rehiyon upang magkaroon ng payapa at ligtas na pamayanan.”