May 15, 2024

RANK NO.4 MWP NG STO TOMAS CITY BATANGAS, ARESTADO

Ayon sa ulat ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director, kay PBGEN ANTONIO C Yarra, Regional Director, arestado ang rank number 4 most wanted person ng Sto Tomas City, Batangas sa isinagawang service of warrant noong ika- 2:10 ng hapon ng Hunyo 18, 2022.

Isinagawa ang nasabing operasyon ng mga tauhan ng Sto tomas pulis sa Barangay San Antonio ng nasabing bayan laban kay JEFFREY DE VERA Y LOMBOY aka. JEFF, 37 taong gulang, walang-asawa, helper, at residente ng Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas. Sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case Number 19-07-597 na inilabas ni Hon. JOSE RICUERDO POLICARPIO FLORES, Presiding Judge Regional Trial Court Branch 6, Tanauan City, Batangas noong Hunyo 10, 2022 sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Possession of Dangerous Drugs.

Giit pa ni PBGEN YARRA ”Tinitiyak niya na mas papaigtingin pa nila ang kampanya kontra ilegal na droga sa buong CALABARZON upang makamit ang isang ligtas, payapa at malinis na pamayanan.” – FELIX LABAN.