May 18, 2024

RABIYA MATEO, MALAKI ANG TSANSANG MAKORONAHAN BILANG MISS UNIVERSE

Malaki ang tsansa ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe 2021. Batay sa nakalap na prediction ng mga vloggers, laging kasama si Rabiya sa maaaring mananalo.

Katunayan, kabilang siya sa Top 21 sa Youtube channel ng Heading to Miss USA. Bale pasok si Rabiya sa Top 10.

Kasama rin sa Top 10 si Miss Panama, Puerto Rico, Mexico, Peru, Thailand at Australia. Second runner-up naman si Miss South Africa, Nepal at France ayon sa pagkakasunod.

Sa resulta naman ng Top 5 fan votes, paosk si Miss South Africa, Peru, Chile, Thailand at Philippines.

Nangangahulugan ito na sila ang gusot ng mga fans na manalo. Sa pagkilatis naman ng Missosology, pick nila si Miss India na mananalo. Pang-anim lang ang Philippines.

Sa Instagram naman, laging kasama ang Philippines sa prediction na mananalo.

Pasok din sa pinagpipiliang manalo bilang Best Costume at Evening Gown ang Philippines, Haiti, Malaysia, Panama at Bahamas.

Sa betting odds naman, pasok ang Philippines at South Africa sa Top 3 na may +700 odds.

Pasok din sa Top 3 si Miss Mexico, +600 odds at Miss Colombia na may +650 odds.