May 18, 2024

PULIS PABIRONG BUMUNOT NG BARIL, DELIVERY DRIVER UTAS


Napatay ng isang pulis ang kanyang kaibigan na delivery rider matapos itong aksidenteng maputukan ng baril nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Cpl. Oliver Ferrer, naka-assign sa police station sa Tondo, Manila, habang ang biktima naman ay si Jayson Capistrano.

Ayon sa report ng pulisya, nakikipag-usap si Ferrer kay Capistrano at iba pa nilang kaibigan nang magbiro itong dukutin ang kanyang service firearm.

Doon aksidenteng nabaril ni Ferrer ang kaibigan, na isinugod sa Chinese General Hospital.

Ngunit hindi na ito nakaabot ng buhay nang ideklarang dead-on-arrival.

Sumuko naman sa Gagalangin Police Community Precinct at ibinigay na ang kanyang baril sa mga awtoridad.