May 15, 2024

2 pang drugs personality arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pangasinan

Matagumpay ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng PNP Drug Enforcement Unit, PDEA, Pangasinan Provincial Office, SWAT at ilang pang enforcement agencies sa magkahiwalay na lugar dito sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Unang naaresto ng mga otoridad ang itinuturing na high value individual at dating pulis na si Jasper Soriano, 30 anyos na residente ng Brgy. Duera sa bayan ng Bayambang.

Ayon kay PMaj Arturo Melchor tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, dati umanong pulis ang suspek na naassign sa NCR at dahil sa pagkakasangkot sa iligal na aktibidad ay sinibak ito sa serbisyo.

Matagal na aniyang namonitor at minamanmanan ang suspek dahil sa mga iligal na aktibidad na ginagawa sa lalawigan. Nakuha sa pangangalaga ng suspek ang 28 sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at bigat na 30 grams na katumbas ng P272,000.

Maliban sa drug paraphernalia nakuha din sa suspek ang cal. 9mm na baril at mga pistol air soft 9mm.

Ayon kay PMaj Arturo Melchor tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office

Samantala, sa bayan ng Binalonan ay arestado naman sa buy bust operation ang suspek na si Charlie Lamban 35 anyos na residente ng alabang muntinlupa.

Nakuha sa kanyang pangangalaga ang humigit kumulang 50 grams na pinaghihinalaang shabu na may estimated Standard Drug Price na 340, 000.00 at iba pang drug paraphernalia.

Kaugnay nito ayon kay Melchor , tinitignan ng kanilang hanay kung miyembro ito ng malaking grupo dahil sa dami ng iligal droga na nakuha sa kanyang pangangalaga.