Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay si Jose Torres Jr., ang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), sa pamilya at mga naiwang kasamahan ng beteranong photojournalist na si Itoh Son habang nasa gitna ng kanyang tungkulin sa Traslacion 2026 sa Maynila nitong Biyernes ng umaga
Ayon sa mga kasamahan sa hanay ng media, ilang araw na umanong masama ang pakiramdam ni Son at may iniindang trangkaso (flu).
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para sa kanya na i-cover ang mga pre-Traslacion events gaya ng “Pahalik” dahil sa kanyang labis na dedikasyon sa trabaho.
“Ang kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon sa kabila ng kanyang karamdaman ay patunay ng kanyang pagmamahal sa kanyang trabaho,” ani Torres.
Nagsilbi ring babala ang trahedyang ito para sa mga kasamahan sa media na laging nakasabak sa “frontline” ng mga malalaking kaganapan.
Paalala ng PTFOMS, huwag kalimutan ang sariling kalusugan at kaligtasan habang ginagampanan ang tungkulin para sa publiko.
Si Itoh Son ay ituturing na isang inspirasyon sa larangan ng photojournalism dahil sa kanyang hindi matatawarang serbisyo hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
