May 18, 2024

Proud sa asawa… ROBIN PADILLA, BILIB KAY MARIEL SA PAGIGING MASIPAG NA TINDERA

KUNG ibang babae ang nasa kalagayan ni Mariel Padilla, tiyak ikahihiya niyang maging isang tindera lalo na ang kanyang asawa ay isang senador.

“Proud talaga ako sa asawa ko, maabilidad sa pagtitinda. Walang taglay na arte sa katawan, hindi pasosyal at kumikita siya sa sarili niyang sikap.

“Iyong mga tinitinda niyang produkto na IA worldwide, ay may magandang resulta sa ating katawan. Ang epekto nito ay maganda sa ating kalusugan, kaya sulit ang pag-inom niyo niyan. At magiging healthy ang inyong mga katawan at nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na sumusuporta kay Mariel,” masayang kwento ni Sen. Robin.