May 18, 2024

Nagkikita nga ba ng palihim? DANIEL PADILLA AT ANDREA BRILLANTES, SILA NA NGA BA?

ANG chika ay nagkikita raw ng lihim itong si Daniel Padilla at Andrea Brillantes, kaya lumabas ang isyu na hiwalay na nga sina Daniel at Kathryn Bernardo. Pero hindi pa ito confirmed, chika pa lang.

“Pero walang gustong magsalita sa isyu na ito sa bawat kampo, tahimik ang kampo ni Daniel at gayun din ang kay Kathryn. Hindi kaya totoo ang chika, kaya tahimik ang bawat kampo?

 “Sa side naman ni Andrea, ang haba talaga ng buhok ni Andrea kasi siya ang lumalabas na third party sa hiwalayang Daniel at Kathryn. Pero tahimik pa rin ang kampo ni Andrea, na kilalang maingay sa mga isyung kinasasangkutan. Pero bakit kaya siya tahimik?” paghahamon pa ng aking source.