May 18, 2024

‘Di raw siya nakulong… RODERICK PAULATE, ACQUITTED AT DINISMISS SA KASONG ‘GHOST’ EMPLOYEES

MATAPANG na inilaban at hinarap ni Roderick Paulate ang kasong ibinibintang sa kanya kaugnay sa ‘ghost’ employees na kanyang kinuha upang magtrabaho sa kanyang poder. Bakit hanggang ngayon ay nakakalaya pa si Tita Rhoda?

“Hindi naman ako na kulong, totoo naman iyong mga lumabas na balita tungkol sa akin. Pero hindi naman nila sinabi sa news kung ano iyong mga legal procedures na totoong nangyari.

“Sobra nga ginawa nila sa isyu, pinagpiyestahan nila. Noong in-acquit at na dismiss ang kaso sa Court of Appeals, hindi nila pinagpiyestahan. Ako naman handa ko silang harapin kung talagang may nilabag ako, kaso nga wala.

“Masaya ako dahil, malapit n’yo nang mapanood sng pelikula namin ni Ms. Maricel Soriano na ‘In His Mother’s Eye.’ Bongga ang mga sagutang eksena namin ni Maria sa pelikulang iyan,” masayang paglalahad ni Roderick Paulate.