May 11, 2024

Problemado sa ka-live-in, kelot  nagbigti

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 29-anyos na lalaki dahil sa problema umano sa kanyang live-in partner sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Florencio  Nalus, dakong alas-6 ng umaga, papasok ang 17-anyos na binatilyong pamangkin ng biktima sa kanilang bahay sa Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.

Nang buksan ang main door, laking gulat ng pamangkin nang makita ang kanyang tiyuhin na nakabigti sa kisame gamit ang isang lubid.

Kaagad humingi ng tulong ang saksi sa kanyang ama saka kinalas sa pagkakabigti ang biktima bago mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center subalit, idineklara itong dead on arrival.

Nagawa namang ma-interview ni PCpl Nalus ang pamilya ng biktima at napag-alaman niya na problemado umano ang nasawi sa kanilang relasyon ng kanyang live-in partner.