PNP Chief Gen. Nicholas Torre III along with PNP Command Center OIC PCol, Ramon Prenada inspects and introduces during the media tour on Thursday August 21, 2025 the Philippine National Police(PNP) new technologies os command centers, to enhance its capabilities, particularly in emergency response and crime prevention, the effectivility of dial 911 and a 3 to 5 minutes respond by the authority depends to the area. These advancements include real time monitoring system. (Photo by ART TORRES)
Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kakayahan sa mabilisang pagtugon sa mga insidente matapos muling ilunsad ang PNP Command Center (PCC) sa Camp Crame na ngayon ay may dagdag na state-of-the-art analytic system.
Ayon kay Colonel Ramon Pranada, hepe ng PCC, layon ng relaunch na lalo pang palakasin ang 5-minute response time ng kapulisan sa mga tawag sa 911 emergency hotline, sa pamamagitan ng real-time monitoring at mas sistematikong deployment ng mga pulis sa buong bansa.
“Ito ay brainchild ng ating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III. Isa itong patunay ng aming pangako na mas mabilis at mas epektibong police response gamit ang makabagong teknolohiya,” pahayag ni Pranada.
Matatagpuan sa loob ng Camp General Rafael T. Crame, ang PCC ay may kakayahang magbigay ng real-time situational analysis at koordinadong operasyon sa 18 rehiyon ng bansa. Sa pamamagitan nito, nagiging mas maayos ang komunikasyon mula sa command hub hanggang sa mga ground operatives.
Sa media tour na isinagawa, ipinakita kung paano natatanggap, napoproseso, at naipapadala agad ang emergency information sa mga field unit upang masiguro ang sabayang aksyon at mabilis na pagtugon.
“Ito ay higit pa sa pasilidad—simbolo ito ng aming tapat na serbisyo at proteksyon sa sambayanang Pilipino,” ani Gen. Torre. “Dito makikita kung ano ang ibig sabihin ng modern policing: mabilis, mahusay at nakasentro sa tao.”
Dagdag pa ng PNP Chief, maliban sa mas mabilis na tugon, malaking hakbang din ito para sa modernisasyon ng public safety system at pagpapalakas ng tiwala ng taumbayan sa kapulisan. (ARNOLD PAJARON JR)
