May 16, 2024

PITMASTER FOUNDATION WAGI SA ASIA AWARDS

Nakatanggap ang Pitmaster Foundation ng apat na pagkilala sa Asia Awards nitong kamakailan lamang.

Kabilang na rito ang “Asia’s NGO (Non-Governmental Organizations) Leadership Award,” “Asia’s Best Corporate Social Responsibility Practices,” “Asia Award for Most Promising Service in NGO,” at “Asia’s Outstanding Executive Director Award” para kay Atty. Carol Cruz, Pitmaster Foundation Executive Director.

Nanalo rin sila ng bronze para sa “Most Valuable Non-Profit Response” sa ilalim ng COVID-19 Response Category sa 2022 Stevie Awards.

Kaya ngayong 2023, nangako ang Pitmaster Foundation, na pinamumunuan ng businessman na si Charlie “Atong” Ang, na palalawakin pa nito ang livelihood assistance para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na umaasa sa on-ground cockfighting industry.

Ito’y matapos ang dalawang taon na pagsubok na hinarap ng negosyong ito dahil sa mahigpit na quarantine measures at suspensiyon ng e-Sabong.

Ang Lucky 8 Star Quest, ang pinakamalaking donor ng Pitmaster Foundation, ay naglunsad ng eSabong noong kasagsagan ng lockdown upang magbigay ng trabaho at mga pagkakataon sa maliliit na negosyo para sa mga nawalan ng kanilang pinagkukunan ng kita dahil sa COVID-19. Ngunit dahil ang online platform ay nananatiling nasuspinde, umaasa ang organisasyon na muling buhayin ang on-ground cockfighting ngayong bukas na ang ekonomiya upang makapasimula ang MSMEs na malapit sa mga sabungan.

Ang Foundation ay gumawa ng malaking epekto sa buhay ng marami sa pamamagitan ng iba’t ibang mga hakbangin mula noong 2020. Nag-donate ito ng halos P1 bilyon ($17.2 milyon) bilang tulong para sa dialysis at Covid-19, kabilang ang 31,000 na dosis ng mga bakuna, 161 na ambulansya upang suportahan ang pangangalagang pangkalusugan para sa remote communities, suweldo para sa frontline staff, vaccine freezer, healthcare kit, Covid-19 medications, 272,000 antigen test kit, at face mask.

Naglaan din ng pondo ang Pitmaster Foundation  para mabawasan ang epekto ng mga kalamidad sa sa pamamagitan ng relief operation tulad ng pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong komunidad. Noong Oktubre 2022, nag-sponsor ito ng Disaster and Climate Emergency Policy Forum, na nakatuon sa papel ng pribadong sektor sa pagtugon sa climate crisis.

Sa pamamagitan ng # PitmasterGoesGreen initiatives nito para isulong ang climate change mitigation efforts, pinangunahan ng grupo ang mga aktibidad sa pagtatanim ng bakawan at puno sa Albay at sinuportahan ang rehabilitasyon sa kapaligiran sa Siniloan, Laguna at Real, Quezon.