May 16, 2024

6 BIKTIMA NG CRYPTO TRAFFICKING SYNDICATE NAHARANG SA NAIA, CLARK

CLARK FREEPORT ZONE, Pampanga—Bureau of Immigration (BI) officers from Manila and Pampanga intercepted 6 suspected victims of a crypto trafficking syndicate.

Iniulat ni Travel Control and Enforcement Unit Chief Ann Camille Mina na 3 sa mga biktima ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Enero 20, matapos tangkaing lumipad palabas sa pamamagitan ng Air Asia flight papuntang Bangkok.

Iniulat ni Mina na ang trio sa una ay nag-claim na magta-travel sa isang company group tour, at nagpakita ng ilang dokumentasyon na nagpapatunay ng kanilang kaugnayan sa nasabing lokal na kumpanya. Gayunpaman, sa pag-inspeksyon, nagbigay ang tatlo ng hindi magkatugma na mga pahayag, na nag-udyok sa opisyal na i-refer sila para sa pangalawang inspeksyon.

Sa inspeksyon, inamin nila na sila ay patungo sa Laos, at inalok ng P40,000 para magtrabaho bilang customer service representative, sales representative, at cook sa isang investment company. Sinabi nila na na-recruit sila sa pamamagitan ng isang ahente na nakilala nila sa social media.

Iniulat din ni Mina na noong Enero 31, ang mga opisyal sa Clark International Airport ay nag-intercept ng tatlong lalaki na biktima na tinangkang  lumipad patungo sa Thailand sa pamamagitan ng isang scoot airlines flight.

Inamin din ng tatlo na magtatrabahil para sa isang local cargo company at magta-travel na magkakasama sa isang group  tour. Gayunman, inamin nila nang maglaon na sila’y ni-recruit upang magtrabaho bilang mga encoder at kawani ng e-games at inalok ng suweldo na 1000 USD ng isang ahente na nakilala lamang nila sa pamamagitan ng isang application ng social messaging.

Nagpahayag ng pagkabahala si BI Commissioner Norman Tansingco sa dumaraming bilang ng mga Pilipinong na-recruit ng mga sindikato ng trafficking para iligal na magtrabaho sa mga business process outsourcing companies sa ibang bansa.

“There are reports that many of our kababayan are offered work in BPOs, only to end up working for scamming companies abroad,” ani Tansingco.  “We reiterate our warning not to entertain offers received on social media, and always coordinate with the Department of Migrant Workers when applying for legal work abroad,” dagdag pa niya. Ang babala ay pagkatapos ng maraming ulat ng mga mamamayang Pilipino na na-recruit at trafficked ng mga kumpanya ng cryptocurrency scam na pisikal na inaabuso ang kanilang mga biktima sa ibang bansa.