May 8, 2024

PINUNO PARTYLIST NAG-IKOT SA CAVITE AT BATANGAS

PINUNO PARTYLIST NAG-IKOT SA CAVITE AT BATANGAS: Nag-ikot sa mga lalawigan ng Cavite at Batangas si Senador Lito Lapid at PINUNO Partylist first nominee Howard Guintu nitong Huwebes, Abril 7. Sa kanilang pag-iikot, nagkaroon ng pagkakataon si Lapid at Guintu na makausap ang mga Kabitenyo at Batangueno na masayang makita ang dalawa. Si Lapid na mas kilala ngayon bilang si Pinuno ay lubos na nagpapasalamat sa patuloy na suporta na kanilang natatanggap para sa partylist. Sa kasalukuyang Pulse Asia survey na ginawa nitong March 17-21, nakakuha ng 0.88 percent voter preference ang partylist na nag-gagarantiya ng isang pwesto sa Kongreso. (Danny Ecito)