June 16, 2024

PINOY POWERLIFTERS PUGAY SA TAGUMPAY SI SEN. BONG GO!

Victorious Philippine Powerlifting team.(Photo courtesy of Equinox)

TUMATAGINTING na 107 medalya ang naiuwi ng Pinoy Powerlifters na lumahok sa 2024 Asian Equipped Powerlifting Championships at Asian University Combined Classic / Equipped Powerlifting & Bench Press Championships na ginanap sa Hong Kong nitong nakaraan kamakailan.

Kabilang dito ang 75 gold medals na iniuwi ng Filipno student athletes mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Nakamit din nila ang 26 silver at 6 bronze medals.

Bilang Chair ng Senate Committee on Sports, kaisa ng buong bansa si Senator Bong Go sa pagbibigay pugay, paghanga, at pasasalamat sa ating mga atleta para sa karangalang hatid nila sa Pilipinas!

“Hats off tayo sa lakas ng Pilipino na nag-uuwi ng karangalan para sa bansa,go pa more Team Philippines! (DANNY SIMON)