June 15, 2024

PAG-A-ABROAD  NG MGA NURSE NA PINOY, ‘DI AAWATIN  – DOH

WALANG plano ang gobyerno pigilan ang mga Pinoy nurses na magtrabaho sa ibayong dagat sa kabila ng kakulangan ng mga healthcare workers sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Secretary Teodoro Herbosa, mataas ang demand ng mga Pinoy nurses – bagay na pwede naman aniyang tugunan sa ibang paraan.

Sa halip na ipagkait ang pagkakataong kumita ng mas malaking pera sa ibang bansa, target ng DOH isulong ang mga kursong may kinalaman sa kalusugan – partikular sa nursing program – sa mga state colleges and universities.

Ayon pa kay Herbosa, karaniwang hanap ng mga medical institutions sa ibang bansa ang mga Filipino nurses dahil sa magaling at maganda ang serbisyo.

Ikinumpara pa ng Kalihim ang kalidad ng Filipino nurses sa mga produktong pang-export na dapat aniyang paramihin sa halip na pagbawalan lisanin ang bansa.

“Since our nurses are in demand, that means we’re producing good nurses. What does that mean? We also get good nurses when we get sick in the hospital because they’re export quality– so that means to me I’ll just produce more nurses,” ani Herbosa.

Sa kasalukuyan ani Herbosa ay walang limitasyon sa pag-abroad ng mga nurse matapos tanggalin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang annual deployment cap na 7,500 na ipinatupad sa panahon ng pandemya.

“So right now, wala tayong existing deployment cap. Nurses, if they get hired, they can resign from their job and go abroad,” pahabol ni Herbosa.