May 16, 2024

‘PINAS TINALO NG EGYPT SA PATAGALAN SA PORNHUB

NAHIGITAN ng Egypt ang Pilipinas pagdating sa patagalan sa panood sa adult video website na Pornhub.

Sa inilabas na 2022 Year in Review, inanunsiyo ng Pornhub na nangunguna na ang Egypt sa pinakamatagal magbabad sa kanilang platform ngayong taon na may average visit duration na 11 minutes at 12 segundo.

Sumadsad ang Pilipinas, na nanunguna sa listahan noong nakaraang taon, sa ikalawang puwesto kapantay ng Japan na may visit time na 10 minuto at 59 segundo.

Ang iba pang bumubuo sa Top 20 ay ang Germany, Netherlands, France, United Kingdom, Ukraine, Poland, Italy, Belgium, Argentina, United States, Australia, Brazil, Sweden, Canada, Spain, Colombia, and Mexico.

Napansin ng Pornhub na 53% ng user sa Filipinas ay kababaihan at mga Hapon pa rin ang paboritong panoorin ng mga Pinoy.