Buhay na Pamana, Buhay na Kolaborasyon
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
DALA ang boses ng Pilipinas ay umalingawngaw ang pangalan sa Hanoi.
Mula 24-26 Agosto 2026 Lunes-Miyerkoles ay lumahok si Dr. Eric B. Zerrudo, Tagapangulo ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA, itinatag 1992) at pinuno ng Asia-Pacific Higher Education for Safeguarding Intangible Cultural Heritage (APHEN-ICH) sa 2026 APHEN-ICH Forum sa Viet Nam. Hindi lang siya dumalo. Siya ang nanguna.
Pinagsama-sama ng forum ang mga iskolar, cultural leaders, at mga unibersidad mula sa buong Asia-Pacific para pag-usapan ang iisang bagay: paano ililigtas at paiigtingin ang “Buhay na Pamana.”
Ang pokus ng tatlong (3) araw na pagtitipon: “Buhay na Pamana at mga Industriya ng Kultura sa Asia-Pasipiko”. Usapan dito ay hindi lang pag-iingat. Usapan dito ay Pagkamalikhain ng Komunidad, Napapanatiling Paglilipat, at Inobasyong Kultural.
Nangangahulugang hindi lang iniimbak ang kultura sa museo. Muling binubuhay, pinagkakakitaan, at pinapasa sa susunod na henerasyon.
Pinakatumatak ang espesyal na lektura ni Dr. Zerrudo para sa mga kabataan. “Intangible Cultural Heritage, Youth, and Creative Futures” ang pamagat. Malinaw ang mensahe niya: Ang kabataan ang susi sa paglipat ng pamana.
Hindi maaaring tayo lang ang manood. Dapat tayo ang magmana, mag-adapt, at mag-innovate.
Tinapos ang forum sa isang field visit sa isang lokal na komunidad ng sining sa Viet Nam. Doon mismo nakita ng mga delegado kung paano umuunlad ang malikhaing industriya kapag kasama ang komunidad.
Patunay na ang kultura, kapag buhay, ay kayang magpaunlad ng tao at bayan.
Sa pag-uwi ni Dr. Zerrudo, dala niya hindi lang karanasan. Dala niya ang hamon: Gawing buhay, malikhain, at napapanatili ang pamana ng Pilipinas.
