May 5, 2024

Pinagsamantalahan kasi; 2 kelot, ikakasal sa kambing

Mbucuta,Mozambique-  Dahil sa hindi napigilan ng 2 binata ang kanilang pagnanasa, isang inahing kambing ang tinalo nito.

Habang ginagawa ang kalokohan,  nahuli sila ng isang pulis na nakikipagtalik nga sa kambing. Dahil dito, nais ng may-ari ng kambing (tinatayang nasa pagitan ng 22-33 anyos)  na pakasalan ng dalawa ang kanyang alaga.

Nakipag-usap ito sa pamilya ng mga binata na ayusin ang tradisyunal na pagpapakasal ng dalawa sa kanyang inahing kambing.

Ang may-ari ay humihingi rin ng bayad pinsala .Ang State Media roon ay nagpahayag na ang dalawang nahaharap sa criminal charges.

Ang ganitong senaryo ay nangyari na rin sa bansang Sudan noong taong 2007.