May 18, 2024

PIA WURTZBACH, TINAMAAN NG COVID-19 SA UK

Hindi nakaligtas si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa bagsik ng COVID-19. Mismong ang nasabing beauty queen-actress ang nag-confirmed na nagka-COVID siya habang na sa United Kingdom.


“GUYS, COVID is so real!” sambit niya matapos dapuan ng virus. Aniya, kahit vaccinated pa siya at may booster pa, dali siya ng COVID-19. Pati ang kapatid pala niyang si Sarah ay nahawa ng virus.


” Kahit pala healthy ang lifestyle ng isang tao, tinatamaan pa rin ng virus,” sabi ni Pia sa kanyang IG. Long post ahead. Sharing what happened to me recently,” bulalas ni Pia.


“I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines,” aniya.