May 2, 2024

JAPETH AGUILAR, IKAKAMADA ANG ART EXHIBIT SA SECRET FRESH

Hindi lang pang basketball ang peg ni Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra Gin Kings. Isa rin pala siyang artist. katunayan, magsasagawa ng exhibit si Japeth ng kanyang mga artworks.

Ipinost din ng basketbolista sa kanyang Instagram account ang nasabing occasion.


Magdaraos siya ng two-man show ni artists Manny Cabrera bukas, January 9. Tatagal ito ng hanggang Jannuary 21. Ang venue ng show ay sa Secret Fresh. Kung saan ikakamada ang art exhibit bilang tampok sa art gallery ni DJ at well known sneaker head Big Boy Cheng. Isa sa paboritong subject na i-paint ni Japeth ay ang tungkol sa nature. Kapag walang practice at laro, pagpainting ang hobby niya kapag libre ang oras.