April 28, 2024

PHOENIX SUNS, TINUPOK ANG PELICANS

Tinupok ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans sa Game 1 ng 2022 NBA Playoffs West Round 1, 110-99. Naging malaking parte ng panalo ng Suns ang pagbuhat ni Chris Paul sa 4th quarter.
Bumira si Paul ng 30 points, 10 assists, 7 boards at 3 steals. Kung saan, 19 points dito ang binuslo niya sa 4th quarter.

Maganda rin ang opensa ni ‘CP3’ na 12-of-16-shooting at 4 out of 6 sa threes.

Nag-ambag naman si Devin Booker ng 25 points, 8 assists at 4 boards. Habang si DeAnre Ayton naman ay kumana ng 21 points, 9 boards at 4 blocks.


Sa panig naman ng Pelicans, bumira si CJ McCollum ng 25 points, 8 boards at 6 assists. Samantalang si Brandon Ingram at Jonas Valanciunas ay lumagare ng tig- 18 points.


Lamang sa 1-0 lead ang Suns sa best-of-7 series.