May 2, 2024

GIANNIS ANTETOKOUNMPO, BUMIDA SA PAGSUWAG NG BUCKS SA BULLS, NETS, PINUNIT NG CELTICS

Nagtala si Giannis Antetokounmpo ng monster double-double sa Game 1 ng 2022 NBA Playoffs. Una nang nasuwag ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls, 93-86 sa East Round 1.

Kumana si Giannis ng 27 points, 6 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Brook Lopez ng 18 points, 5 boards at 2 assists.


Sa panig naman ng Bulls, nanguna si Nikola Vucevic sa pagbuslo ng 24 points. Kasama na rito ang 17 boards at 3 assists. Habang nagtala naman si DeMar DeRozan ng 18 points, 8 boards at 6 assists.


Samantala, pinunit naman ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets sa Game 1, 115-114. Bumida si Jayson Tatum sa intense game nang gawin ang buzzer-beating layup.


Sa kabuuan, nagtala si Tatum ng 31 points, 8 assists at 4 boards. Kumamada naman si Jaylen Brown ng 23 points at 5 boards. Si Al Holford naman ay nagposte ng 20 points at 15 boards.


Binuhat naman ni Kyrie Irving ang Nets sa pagbuslo ng 39 points. Habang si Kevin Durant ay naglista ng 23 points.