May 18, 2024

Philippine Sport Hall of Fame, itutuloy ng Philippine Sports Commission

Bagamat may banta pa rin ng COVID-19 pandemic, idaraos pa rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang recognition event.

Ito ay ang pagluluklok ng mga sports personalities sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF).

Sinabi ni PSC Chairman Butch Ramirez na papayagan nila dumalo ang mga inductees. Maging ito man ay sa virtual o physical ceremony.

Ilalaban naman ng review committee ang short list ng mga gagawaran. Ito ay sa petsang Marso 5. Ang kumite ay binubuo ng sports mediamen mula sa print at broadcast.

May 10 Pinoy sports heroes ang tatanggap ng tig P200,000. Ito’y kapag nailuklok na sila sa ikaapat na batch ng ‘Hall of Fame’.