May 18, 2024

Gatorade Beach Volleyball sa Subic, ikinasa ng Philippine Superliga

Nakatakdang ipalo ng Philippine Superliga (PSL) ang major comeback ngayong taon. Ikakasa ng liga ang 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup.

Magsisimula ngayong Biyernes ang torneo sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Nasa walong teams ang magtatagisan.Kung saan, kabilang guest team na Kennedy Solar-Energy- Petro Gazz.

Ibabandera ng team ang pambatong sina Christina Canares at Ariane Luna Alarcon. Habang sasandal naman ang Sta,Lucia sa tandem nina veteran Bang Pineda at Jonah Sabete.

Gayundin sina Jackie Estoquia at DM Demontano. Ikakasa naman ng F2 Logistics si Jenny Mar Senares at Kyla Angela Gallego.

Manok naman ng United Auctioneers, Inc sina Ella Viray at Theresa Ramas.

Ilan sa team na kakasa rin sa beach tilt ang Ube Express, Cherrylume at Subic bay Peninsular Hotel.

Giit ni PSL Chairman Phillip Ella Suico, hindi magtatagumpay ang staging ng historic tourney sa suporta ng mga team. Gayundin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Naglabas ang ahensiya ang Resolution 79 noong October. Kung saan, pinapayagan ang  staging ng beach volleyball tourney via bubble setup sa Subic.