May 17, 2024

PH TEAM HANDA NA SA SEAG, FIRST BATCH, DUMATING NA SA VIETNAM

Photo Courtesy by Philippine Sports Commission (PSC)

Handa na ang PH team para sa nalalapit na pagbubukas ng SEA Games. Katunayan, nakalapag na sa Hanoi, Vietnam ang ilang delagates ng team Philippines na sasalang sa 31st SEA Games. Ang mga atletang nakarating doon ay kabilang sa first batch.

Kabilang na rito ang nasa beach handball, kickboxing at men’s football. Opisyal na magsisimula ang biennial meet sa Mayo 12, araw ng Huwebes.

Babandera ang Azkals sa football match na haharap sa Timor Leste. Kabilang ang Azkals sa Pool A kasama ang Myanmar, Vietnam at Indonesia. Nasa Pool B naman ang Malaysia, Cambodia, Laos at Singapore.