May 5, 2024

JA MORANT, BUMIDA SA PAGLAPA NG GRIZZLIES SA WARRIORS

Photo Courtesy by Getty Image

Bumida si Ja Morant sa paglapa ng Memphis Grizzlies sa Golden State Warriors sa Game 2 ng West semifinals, 106-101. Kaya naman, naitabla ng Memphis ang serye sa 1-1. Bumanat si Morant ng 47 points, 8 assists at 8 boards.

Nag-ambag naman si Zairie Williams ng 14 points at 5 rebounds. Sa panig naman ng Warriors, kumana si Steph Curry ng 27 points, 9 boards at 8 assists. habang si Jordan Poole ay lumagare ng 20 points at 5 assists.

Bumuslo naman si Andrew Wiggins ng 16 points at 9 rebounds. Naging intense ang laro at medyo pisikalan. Palitan ng lamang pero nangapa ang Memphis sa laro.

Nasa Warriors ang momentum ng laban hanggang sa maagaw ito ng Memphis sa 4th quarter. Nadale naman si Gary Payton II sa laban matapos matukod ang left elbow nito. Isasailalim ito sa MRI matapos ang bardagulan sa court.