May 17, 2024

PEDICAB DRIVER UTAS SA VAN SA MAYNILA

PATAY ang isang pedicab driver matapos mahagip ng van habang binabagtas ang kahabaan ng southbound lane ng Bonifacio driver panulukan ng 20th St. sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Kinilala ng Manila District Traffice Enforcement Unit (MDTEU) ang biktima na si Victorio Fernandez, ng No. 650 11th St., Port Area, Manila.

Ayon sa pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga, nagmamaneho ang biktima lulan ng kanyang pedicab nang masagi ng Hi-Ace van (NDI-4102) na minamaneho ni Richard Israel, ng No. 1105 Looban St., Daang Amaya II Tanza, Cavite.

Sa lakas ng impact, tumilapon nang ilang metro ang biktima sa center island na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Inaresto naman si Israel at nahaharap ngayon sa kasong homicide with damage to property sa Manila Prosecutor’s Office. ARSENIO TAN