May 7, 2024

PCSO nagbigay ng P500K para kay Lydia de Vega

Personal na iniabot nina PCSO Chairperson Junie Cua at PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang tseke na nagkakahalaga ng P500,000 kay Stephanie Mercado de Koenigswarter, ang anak ng track and field legend na si Lydia De Vega-Mercado, sa PCSO building sa Mandaluyong City ngayong araw. Pinalawig ng PCSO ang kanilang tulong at suporta kay De Vega-Mercado na nakikipaglaban sa kanyang Stage 4 cancer. (Kuha ni ART TORRES)