MULA sa New Frontier Theater hanggang sa “Big Dome,” muling naghatid ng saya at kilig ang mga housemates ng Pinoy Big Brother Collab Edition sa isang masayang reunion concert nitong Linggo sa Araneta Coliseum.
Pinagsama-sama ang mga Kapamilya at Kapuso stars para ipagdiwang ang kanilang mga tagumpay matapos lumabas ng PBB house. Pinakita nila ang kani-kanilang galing sa sayaw, pagkanta, at iba pang talents na talaga namang pumukaw sa damdamin ng mga fans!
Mula sa high-energy dance showdown nina AC at Charlie, hanggang sa soulful singing performances nina Klarisse at Mika, walang humpay ang saya! Nagpakitang-gilas din sina Charlie at Esnyr sa kanilang cheerdance routine, habang nagpasikat naman sina AZ at River sa kanilang eleganteng ballroom dance.
Hindi rin pinalampas ang mga sikat na “PBB house moments” tulad ng stage launch ng “Deestiny’s Child” kung saan kasama sina Michelle Dee, Klarisse, at Esnyr—kahit may konting palpak na pagtangkang i-lift si Michelle!
Ang “Pinoy Big Boys” na sina Michael, Emilio, Josh, Vince, Ralph, at River naman ang nagpasaya ng crowd sa kanilang spicy performance na tribute sa viral apron scene nila.
Puno rin ng kilig ang reunion dahil sa mga favorite “ships” tulad ng WILCA at DUSBIA! Naghatid sila ng mash-up ng kanilang mga love songs na nagpaindak sa buong Araneta.
Bukod sa performances, may acting showdown nina Xyriel at Will, pati na rin ang “Shagidi” dance challenge kung saan sumali rin ang BINI’s Jhoanna at Stacey.
Sa Q&A portion, umani ng sigaw ng fans ang tanong kung handa ba si Will na makipag-work muli kay Bianca bilang love team. Sagot niya: “Siyempre, looking forward ako.”
Si Mika naman, kasama si Brent, ay nagbiro tungkol sa kanilang status: “Kami naman ni Brent, lagi namin napag-usapan — what if tayo na lang? Joke lang.”
Tunay na muling nagkaisa ang PBB Collab Edition housemates para sa isang gabi ng saya, kilig, at talento na hindi malilimutan ng kanilang mga tagahanga!
