April 28, 2024

PBA LEGEND SONNY JAWORSKI, MAY SAKIT SA DUGO

Humiling ng panalangin ang pamilya ni PBA legend Robert ‘Sonny” Jaworski dahil sa kalagayan nito ngayon. May karamdaman kasi si ‘Big J’ at may sakit ito sa dugo.


Noong una ay itinatago ng kaanak nito ang sakit ni Jawo. Ngunit, dumating sa puntong kailangan nang ihayag sa ikabubuti nito.


Ayon sa kanyang anak na si Dodot Jaworski, nagkaroon ng rare blood disorder ang kanyang ama. Gayunman, bumubuti na ang lagay nito pero di pa isandaang porsiyento.
“As you know, last year, medyo may mga health issues na ang dad ko,” sabi nito sa YouTube vlog, “Tune In Kay Tunying.


“And unfortunately, di pa siya nakaka-recover ng 100 percent, up to now,” aniya.
Nagpasalamat naman ang pamilya ng basketball legend sa patuloy na suporta ng mga fans. Na, ipanalangin ang agaran nitong recovery.