May 18, 2024

Payag kaya si Kathryn? NADINE LUSTRE, PALABAN SA GIRL’S LOVE

PALABAN talaga itong si Nadine Lustre, pati Girl’s Love ay hindi niya inurungan. Kaya lang may malaking problema, dahil hindi pa nila napapa-oo si Kathryn Bernado.

Remake ng ‘T-Bird At Ako’ movie nina Nora Aunor at Vilma Santos ang kanilang gagawin, marami ang umaasa na matutuloy ang kontrobersyal na movie project na ito.

“Sana pumayag si Kathryn Bernardo, kasi okay lang sa akin na gawin ko iyang Girl’s Love. Kahit hindi uso dito sa Pilipinas, Alam ko namang tatangkilikin pa rin iyan ng ating mga moviegowers.

“Sa ibang bansa nga gaya ng US, Italy, Korea, Japan, China, Thailand. Ay pinanonood na nila ang ganyang klase ng pelikula, pahuhuli pa ba tayo?

“Sa side ko wala namang problema, para sa akin kasi trabaho lang ang lahat. At challenge para sa akin kung makagawa ako ng ganyang klase ng pelikula, at Alam kong kaya ko,” pahayag ni Nadine Lustre.