May 18, 2024

WILLIE REVILLAME, PAPASUKIN NA RIN PATI ANG POLITIKA

SINABI mismo ni Willie Revillame na handa na niyang pasukin ang magulong mundo ng politika, inihayag niya ito ng naimbitahan siya ng dating Pangulong si Rodrigo Duterte sa Hakbang sa Maisug sa San Pedro Square, Davao City.  

Tanging si Willie lamang ang inimbitang showbiz personality ng Pangulo.

“Mismo ngang si Pangulong Duterte ang humimok sa kanya na pasukin ang politika, dahil hindi pa handa noon si Willie, kaya hindi niya tinanggap ang buyo ng dating Pangulong. At medyo wala pa siyang gaanong kaalaman sa politika that time, kaya hindi siya nagtangka pa.

“Sa pagka Senador ang plano niyang targeting posisyon, at suportado naman siya ni dating Pangulong Duterte. At para kay Willie, hindi pa huli kung siya’y tumakbo, dahil ang hangarin naman niya ay ang makatulong sa kanyang kapwa.” salaysay pa ng aking source.

Enter