May 13, 2024

Nauubos na raw ang datung… KRIS AQUINO, PINAGTUTULAKAN NA NGA BANG MAGTRABAHO SI BIMBY?

HINDI naman siguro totoong pinagtutulakan na ni Ms. Kris Aquino na magtrabaho ang kanyang anak na si Bimby, dahil ang rason lang ay nauubos na ang kanilang pera sa pagpapagamot.

“Gusto lang siguro ni Kris na sumaya naman ang kanyang anak na si Bimby, kaya pinagtatrabaho na niya ito. Nakikita naman ni Kris, kung paano siya alagaan nito.

“Mahirap nga naman sa isang ina na makita ang kanyang anak sa apat na sulok lang ng kwarto niya, at hindi ito naggo-grow dahil siya nga ang tumatayong tagapangalaga ng ina.

“Hindi rin totoong nauubos na ang pera nila, gusto lamang ni Kris na makitang nagtatagumpay din ang kanyang anak na gaya niya noong wala pa siyang karamdaman,” chika pa ng aking source.