May 17, 2024

Para sa 2024 Paris Olympics EJ OBIENA NAGSISIMULA NA SA PAGSASANAY

Sinimulan na ni Pinoy pole vault player Ernest John “EJ” Obiena ang kaniyang training para sa pagsabak nito sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa World number 2 pole vaulter na ang unang bahagi ng kaniyang traning ay gaganapin sa La Nucia, Spain.

Kasama niya sa nasabing training si legendary Ukrainian coach Vitaly Petrov.

Si Petrov kasi ang naghubog kay Obiena para maging world-class athlete mula pa noong 2014.

Pinasalamatan ng 27-anyos na si Obiena ang gobyerno dahil sa suporta na ibinigay para sa maagang ensayo nito sa Paris Olympics. RON TOLENTINO