May 15, 2024

Pambato ng Arellano University na si Hilario, bumida sa Bullet Online tilt

Bumida si Allan Gabriel Hilario ng Arellano University sa 21st Edition of Espana Chess Club Bullet Online Tournament.

Idinaos ang torneo noong New Year’s eve sa lichess.com. Tangan ni Hilario ang time control na 1 minute at zero increment. Kaya naman, nakapagtala ang 13-anyos ng 51 points.

Ang nasabing points ang kakamadahin niya upang maluklok bilang highest Berserk rate sa 95%.Ito ay ayon kay Espana Chess Club Manila top honcho engineer Ernie Fetisan Faeldonia.

Si Hilario ay naging pambato ng  bansa  sa 9th ASEAN (Association of Southeast Asian Nation) Age Group Chess Championship.

Kasama niya rito si Jasper Faeldonia na nagkampeon noon sa Manila Meet (2018 at 2019).