
BINISITA ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa 246 Navoteño na nagtapos ng Alternative Learning System (ALS): 33 ang elementarya, 116 ang junior high, at 97 naman ang senior high school. Binati din niya ang nagsipagtapos dahil karapat-dapat aniya ang mga ito sa pagkilala at suporta para sa kanilang determinasyon na sakupin ang pangalawang pagkakataon sa edukasyon para sa kanilang mga pangarap. (JUVY LUCERO)
