November 23, 2024

PAGLALAGAY NG PROTECTIVE SHIELD, OA NA BA PARA SA MGA MOTORISTA?

Kumusta ang buhay natin, mga Cabalen?  Nawa’y lagi po kayong nasa mabuting kalagayan. Muli na naman tayong hihimay ng mahahalagang isyu sa ating lipunan.

Ok na nga mga Cabalen na bumiyahe ang mga motor na may angkas, basta ang kanilang angkas-angkas ( o backride) ay kanilang asawa o ka live-in. Binigyan na kasi ito ng go-signal ng Inter Agency Task Force (IATF). Kesyo, mag-asawa naman ‘yan at magkasama naman sa bahay, kaya okay lang.

Kaya lang, may nakaharang sa pagitan nila o barrier na nakatawag pansin sa madlang pipol. Anila, mukhang bintana ang siste ng protective shield. Naisipan ng IATF na ikadama ito sa mga motor buhat nang ipauso ni Bohol Governor Arthur Yap ang paglalagay ng protective shield sa magka-angkas upang mayroong social distancing.

Lubha aniyang delikado ito dahil liliparin ng hangin— at liliparin pati sakay nito. Ang remedying ito ay inilatag upang mabawasan o hindi matamaan ng Covid-19. Maganda po ang panukala, pero may flaws.

Puna nga po ng ating mga netizens, naka-mask naman ang sakay, tapos may helmet pa. Baka naman aniya tamarin ang virus na dumapo sa gayung gayak ng riders.

Isa pang maaaring flaws mga Cabalen ay madaling magpanggap na mag-asawa o mag-live-in at kalabisan ang pagdadala ng marriage contract para mapatunayang mag-asawa ang magkasama sa motor. Papaano kung hindi pala, papaano kung nagpakilalang mag-asawa— tapos ibinaba ni mister si misis sa ibang bahay, sabay sabi ng; ‘ Bye’, heto pong bayad!”

Gayunman, sinusuportahan natin ang programa ang kinauukulan, subalit kinakailangang ayusin ang ilang flaws, ano po? Kaugnay dito mga Cabalen, tama ang ginawa ng Joint Task Force Covid shield na si Police Lt. General Guillermo Eleazar ang commander; na sitahin ang mga pasaway na motorista na nagpapalusot na mag-asawa o maglive-in partner.

Tama rin na payagang bumiyahe ang mga mag-asawa kahit walang barrier na nakaharang sa pagitan nila. Tama na bigyan muna ng konsiderasyon dahil mahirap talaga ang ganun.

Sa tingin n’yo mga Cabalen, OA na ba para sa mga motorista ang paglalagay ng barrier sa motor?  Basta sundin lang ang tama at sumunod sa panuntunan ng kinauukukan para walang problema.