April 30, 2024

P571-M NAIBULSA NG SOLO WINNER NG ULTRA LOTTO 6/58

Magiging napakasagana ng 2024 ng dalawang mananaya na magkahiwalay na tumama sa lotto nitong Biyernes, December 29, 2023. Lalo na ang solong nanalo ng P571 milyon jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na may isang tumama sa Ultra Lotto 6/58 na ang lumabas na mga numero ay 19-35-25-42-58-05.

Umabot ang kabuuang premyo nito ng P571,554,916.40.

Isang mananaya rin ang nanalo sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numero ay 06-12-28-04-16-17, at may jackpot prize na P23,333,389.60.

May pag-asa pang maging multi-milyonaryo ang mga tumataya ng lotto sa pamamagitan ng Grand Lotto 6/55 na mahigit P557 milyon ang premyo na hindi pa tinatamaan.