May 5, 2024

P500 MULTA SA MGA SISILONG NA RIDER SA MGA FLYOVER AT FOOTBRIDGE – MMDA

Ipinakita ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes sa isang press conference ngayong araw ang printed photo ng mga motorcycle riders na nag-uumpukan sa isang istasyon sa kahabaan ng EDSA Avenue habang nagpapatila ng ulan. Plano ng MMDA na tiketan at pagmultahin ng P500 ang mga motorcycle riders na sisilong sa ilalim ng mga flyover at footbridge tuwing umuulan. Paliwanag ng MMDA, nagdudulot ito ng pabigat na trapiko at posibleng aksidente. (Kuha ni ART TORRES)