May 16, 2024

VHONG NAVARRO ILILIPAT SA TAGUIG CITY JAIL

NAKATAKDANG ilipat ang Actor-TV Host na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Alinsunod ito sa Commitment Order na inisyu ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.

Habang inihahanda ng mga otoridad ang mga dokumento para sa paglipat ay mananatili muna si Navarro sa detention center ng national bureau of investigation.

Sasailalim din ang aktor sa Health Protocol Requirements, wala namang inihayag na oras ang NBI sa paglilipat sa nabangit na actor.

Matatandaan na Inakusahan ng prosekusyon si Navarro ng panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo noong January 2014 na mariin naman nitong itinanggi.

Una nang hiniling ng kampo ni Cornejo na mailipat ang Tv Host sa Taguig City Jail.