May 19, 2024

DALAGA GINAPANG NG KAINUMAN

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang 19-anyos na binata matapos umanong lasingin at molestiyahin ang 19-anyos na dalaga sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala bilang si Jan Errol Bellomes ng Champaca St. Brgy. San Roque.

Sa isinumiteng report nina PCpl Chona Riano at PCpl Karen Joy Tayson kay Navotas police chief Dexter Ollaging, bago ang insidente ay nagroon ng inuman ang biktima na itinago sa pangalang “Mika” at ang suspek sa R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

Matapos ang kanilang tagayan dakong ala-1:30 ng madaling araw ay nakatulog ang biktima dahil sa tama ng alak habang humiga naman ang suspek sa kanyang tabi.

Dito, na umano sinimulan ng suspek na paghahalikan sa labi at leeg ang biktima saka hinawakan ang panlabas na kasuutan ng maselan na katawan ng dalaga.

Tumigil lamang umano ang suspek sa kanyang ginagawa nang maramdamang may pumasok sa loob ng kuwarto.

Nang mahimasmasan, nagsumbong ang biktima sa kanyang mga kamag-anak na agad namang humingi ng tulong sa mga tanod ng Barangay Tangos North na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.